Ang Gampanin ng Midya sa Lipunan
Pinatutukuyan ang midyum,- midya kapag
maramihan - bilang isang uri ng komunikasyong ginagamit ng tao upang
makaugnay at makapagbatid ng mensahe (Livesey, 2011).
Ang
midya ay isa sa pinakamahalagang parte sa ating lipunan sa kasalukuyan. Ito’y
nagsisilbing instrumento sa pagpapalaganap ng mga impormasyon, kahingian o
problemang ikinahaharap ng ating bansa ganon din sa ibat-ibang bansa. Ito ay
patungkol sa maaring nangyari o nangyayari o mangyayari pa lamang. Malaki ang papel na
ginagampanan ng midya sa kasalukuyan, daan din ito sa makabagong
pagapapalaganap ng impormasyon na maaring nakatuon sa gobyerno, mga
mahahalagang nagaganap sa ating lipunan at para maging bukas ang ating isipan
sa mga posibleng nangyayari sa loob at labas ng bansa.
Sa madaling salita, ang internet, kinikilala
bilang batayan ng bagong midya, ang pinakanag-uugnay sa lahat ng mga network sa buong mundo ay itinuturing
na isang malaking bahagi ng bagong midya. Upang mas lalong gawing
kumplikado ang usapin sa bagong midya, ang ebolusyon ng mga elektronikong
kagamitan nanakakawing sa internet – tulad ng cell phones,
mga digital music player, ipads, e-tablet – ay sapilitang nagpalawak sa
pamantayan ng desiminasyon ng mass midya (Giles, 2010). Kailangan din nating
isaalang-alangang pagkaintindi nating naapektuhan na ng bagong midya ang lumang
midya. Kung kaya, ang mga pahayagan,ang radyo at telebisyon, ay nagbago na rin
sa usaping online. Halimbawa, ang pahayagan dati ay mababasa lamang sa
inilimbag na papel, ngayon ay mababasa na rin ito sa internet. Ang mga
tugtugtin na maririnignatin sa mga transistor
radio ay maririnig na rin natin sa internet, pati na rin ang panonood ng
telebisyon ay ganito na rin ang gawi. (Labrador)
Ang
midya ay mayroong ibat-ibang uri na kung saan maaring kang makakuha o makakalap
ng mga mahahalagang impormasyon na makakatulong para malaman natin ang mga
nangyayari sa kasalukuyan. Katulad na
lamang ng paggamit ng social media, telebisyon, radyo at
iba pa, na kung saan ito’y nagsisilbing midyum ng mga kabataan sa pagkuha ng
impormasyon na maaring magamit din sa pang edukasyon, hindi lamang pang
edukasyon, ito rin ay ginagamit na libangan nilang mga kabataan ngayon. Ang
dyaryo, dyornal, tabloid at iba pa ay isa ring uri ng midya na bihira ng
magamit dahil ang henerasyon ngayon ay umaasa o mas sinusuportaham ang paggamit
ng teknolohiya na mas madali mong magamit sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon.
Ang midya ay naging karugtong na ng pamumuhay ng maraming tao ngayon.
Komunikasyon
ang isa sa susi upang magkaroon ng uganayan at pag-uunawaan ang bawat tao sa
loob at labas ng ating lipunan. Ito ay isang makapangyarihang bagay upang
magkaroon ng maayos na komunikasyon ang bawat isa. Mahalagang maki pag ugnayan
upang magkaroon ng kaalaman at pagkakaintindihan, at ang midya ay isa sa makabagong paraan at bagay na ginagamit upang
mas maging madali ang pakikipagugnayan malayo o sa malapit na lugar. Kung
walang iba’t ibang uri ang midya maaring mahirap at malabo ang pakikipagugnay
at ang pagpapalitan ng nga mensahe ay maaring hindi magkatugma. Ngunit mayroon
ding mga problema na kinahaharap sa paggamit ng iba’t ibang midya. Una,
nagiging irresponsible ang mga kabataan sa pagpapalaganap ng impormasyon. Dahil
sa pagdali ng daan ng paggamit nito may mga “fake news” na kumakalat at patuloy
na kumakalat dahil hindi napipigilan ang paggamit ng social media.
Sa
paglaganap ng midya, marami na ang nagbago sa ating lipunan. Sa bawat paggamit
natin ng internet, social media at iba pang uri ng midyum. Napakaraming salik
ang masamang naidulot nito. Unang una na sa ating kultura, bilang isang
Pilipino napakalaki ng impluwensya ng kultura ng dayuhan sa ating buhay dahil ditto,
sa paglaganap ng midya mas tinatangkilik natin ang kultura ng ibang bansa kaysa
sa ating bansa, kung paano tayo manamit, makikita mo sa bawat Pilipino ang paghanga
sa mga pananamit na ginagamit ng mga taga ibang bansa at mas nagkakaroon sila
ng pagtatangkilik sa mga produkto ng mga ito kaysa sa produkto na dapat nating
pinagmamalaki bilang isang Pilipino. Sa mga pagkain din nagkakaroon ng bagong panlasa
ang mga Pilipino na nakukuha nila sa mga advertisement na makikita mo sa mga social
media. Natutunan na nilang kumain ng mga pagkaing hindi nila kinalakihan sa
Pilipinas. Dahil dito napakalaki ng epekto ng midya sa kulturang Pilipino na
nakapaloob sa ating lipunan. Ngunit ito rin ay may magandang naidudulot rin sa
ating kultura dahil sa midya nagiging bukas ang ating isipan sa mga kultura ng
ibang bansa at nang dahil dito mas makikita natin ang kahalagahan ng ating
kultura. Bagama’t mas tinatangkilik nila ang kultura ng mga ito ay hindi pa rin
naman nakakalimutang pahalagahan ang
kulturang Pilipino.
Pangalawa ay sa ating wika, dahil sa
pagusbong ng midya nakaapekto din ito sa ating wika ang paglaganap ng mga
bagong salita na nauuso, dahil sa pag-papalawak
ng paggamit ng wika dahil sa paggamit ng midya. Halimbawa na nga nito ang mga
salitang balbal gaya ng pagbabaliktad nila ng salita, mayor sa yorme, at mga salitang gaya ng awit ay nauuso at lumalaganap dahil sa
paggamit ng uri ng midya. Gamit ang wikang Filipino sa mass midya, kusa
na itong tinatangkilik ng nakararami dahil sadami na nakakaunawa at
nakakaabot sa wikang ito (Francisco, 2010).
Napakalaki
ng ambag ng midya sa ating lipunan, higit sa lahat, ang midya na ang isa sa mga
paraan na hindi natin maaalis sa ating pang araw araw na pamumuhay. Sa tamang
paggamit at pagkakaroon ng responsibilidad dito maaring isa rin ito sa maging
daan para umunlad ang isang lipunan. Ang midya ay ang magiging boses upang
iparating ang mga pangyayari na magbibigay kaalaman sa mga tao sa paligid nito.
At ito ang humuhubog sa paglaki at paglawak ng mga impormasyon na
tumatalakay sa ating lipunan.
Bilang
isang indibidwal na nakikinabang sa mga gamit ng midya dapat alamin nating ang
maaring naidudulot natin sa ating buhay. Mahalagang malaman natin ito dahil
tyao rina ng nagpapalawak at nasa kamay natin kung bakit ang midya ay naging
mahalaga sa kasalukuyang pamumuhay ngayon.
Comments
Post a Comment