Posts

Showing posts from December, 2019

Ang Gampanin ng Midya sa Lipunan

Pinatutukuyan ang midyum,- midya kapag maramihan - bilang isang uri ng komunikasyong ginagamit ng tao upang makaugnay at ma kapagbatid ng mensahe (Livesey, 2011).  Ang midya ay isa sa pinakamahalagang parte sa ating lipunan sa kasalukuyan. Ito’y nagsisilbing instrumento sa pagpapalaganap ng mga impormasyon, kahingian o problemang ikinahaharap ng ating bansa ganon din sa ibat-ibang bansa. Ito ay patungkol sa maaring nangyari o nangyayari o mangyayari pa lamang. Malaki ang papel na ginagampanan ng midya sa kasalukuyan, daan din ito sa makabagong pagapapalaganap ng impormasyon na maaring nakatuon sa gobyerno, mga mahahalagang nagaganap sa ating lipunan at para maging bukas ang ating isipan sa mga posibleng nangyayari sa loob at labas ng bansa.   Sa madaling salita, ang internet, kinikilala bilang batayan ng bagong midya, ang pinakanag-uugnay sa lahat ng mga network sa buong mundo ay itinuturing na isang malaking bahagi ng bagong midya. Upang mas lalo...